
3 Noche Buena Menu Cards
Pumili sa tatlong menu na may magkakaparis nang ulam, side, at dessert. Nasa card ang page number ng bawat recipe para diretso ka na sa gusto mong lutuin.
Kung may nag-request na ng Lumpiang Shanghai, may isang ulam ka na. Ang susunod na tanong… ano’ng masarap ipares? At siyempre, ano’ng panghimagas?
Sa 27 Christmas Recipes by Nina Bacani, pinagsama-sama ko ang mga pinili kong pang-Pasko para madali kang makabuo ng menu na babagay sa pamilya mo. Mula Christmas Ham hanggang Puto Bumbong, may mapagpipilian ka sa iisang eBook.

Habang namimili, puwede mong buksan sa phone ang listahan ng ingredients at tingnan ang sukat. Pag nasa kusina ka na, balikan mo lang ang step kung saan ka huminto. Wala nang paghahanap kung saang video mo nakita ang recipe o saang minuto idinagdag ang susunod na sangkap.
May maliliit ding tips na magagamit mo agad. Sa Buko Salad Graham Float, halimbawa, patuluin muna nang mabuti ang fruit cocktail at buko para hindi matubig ang cream. Puwede mo na itong buuin sa gabi ng December 23 at i-chill overnight. Isang dessert na ang handa bago ka pa magsimula sa mga ulam kinabukasan.


Pumili sa tatlong menu na may magkakaparis nang ulam, side, at dessert. Nasa card ang page number ng bawat recipe para diretso ka na sa gusto mong lutuin.

May grocery list na para sa isang sample menu. I-check ang meron na sa kusina bago mamili. Kung sarili mong kombinasyon ang gusto mo, may blankong listahan ka ring magagamit.

Ilista kung ano ang puwedeng ihanda sa bisperas, ano ang uunahin sa umaga, at ano ang gusto mong mainit pa paglapag sa mesa.
Simulan mo sa isang siguradong hahanapin ng pamilya mo. Baka ang Embutido. Baka naman ang Mango Graham Float na gusto nilang sandukan kahit hindi pa tapos ang kainan.
Pili ka ng paborito nila. Ako na ang bahala sa recipe.
Kunin ang 27 Christmas Recipes + Planning Kit — ₱297Digital PDF eBook at printable planning kit. Puwedeng basahin sa phone, tablet, o computer.